Ang pagiging pandak ang pinoproblema lagi ni Hazel. Apektadong-apektado nu'n ang kanyang lovelife. Sa bandang huli, problemado siya tuloy sa pagdalo sa family reunion nila dahil wala siyang maihaharap na boyfriend. Ayaw niya namang magmumukha lang na kawawa sa paningin ng kapamilya niya dahil ang huling naging tunay na boyfriend niya ay sinulot ng sarili niyang pinsan! Kaya nagdesisyon siyang magpa-press release na may boyfriend na siya--ang lalakeng lihim na kinunan niyang natutulog habang katabi niya sa pampasaherong van pauwi. Hindi niya akalaing ito pala ang kaibigan ng kuya niya na nais daw niyang ipa-meet nito sa pagdalo rin sa reunion...!
6 parts